Biyernes, Hulyo 22, 2011

PPP: Proyekto ng iilang kapitalista, pagdudusahan ng mamamayan

“Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas. Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.”  - Talumpati ni PNoy sa kanyang 2010 SONA


Ang Public-Private Partnership

Ang Public-Private Partnership (PPP) ay sentro ng programang pang-ekonomya ng gubyernong Aquino. Ito ay sosyohan ng gobyerno at mga pribadong kumpanyang lokal at dayuhan sa mga pampublikong proyekto gaya ng paliparan, daungan at highway at serbisyong panlipunan gaya ng ospital, paaralan, patubig at kuryente na dating gobyerno lang ang gumagawa. Hindi ito bago. Ito’y luma na may bagong pangalan at ginawa na ng nagdaang mga gubyerno. Isa rin itong uri ng privatization.

May iba’t ibang porma ng PPP, depende ito sa kasunduan ng gobyerno at pribadong sektor. Ang ilan sa mga ito ay ang service contracts, management contracts, lease contracts, concession contracts, at Build-Operate-Transfer (BOT). 

Ang pinakatampok sa mga ito ay ang BOT. Sa ilalim ng kasunduang ito, ang pribadong kumpanya ang may responsibilidad na magpaluwal ng mas malaking kapital at mas maliit na counterpart mula sa gubyerno para sa konstruksyon ng proyekto. Matapos magawa ang proyekto, halimbawa ay expressway, pangangasiwaan ito ng pribadong kumpanya sa isang takdang panahon para bawiin ang kanyang ginastos na kapital at tumubo sa pagpapatakbo nito. Matapos ang takdang panahon sa kontrata, isasalin sa gubyerno ang pangangasiwa.

Para sa taong 2011, inihanay na ng gubyerno ang mga industriyang pang-PPP. Ito ang mga industriyang may kinalaman sa sasakyang-de-motor/transportasyon, minahan, agribusiness at pangingisda, animation at paggawa ng pelikula, paggawa ng barkong pandagat, pabahay, enerhiya, imprastraktura, research and development, turismo. Inihanay din ng gubyerno ang mga serbisyong pang-PPP gaya ng Land Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT), mga highway gaya ng Daang Hari-SLEX Road sa Bacoor Cavite, NAIA Expressway sa Pasay at Paranaque, Cavite-Laguna (CALA) Expressway, mula sa Gen. Trias hanggang Silang, Cavite at ang NLEX-SLEX connector mula Caloocan hanggang Makati City at mga paliparan sa mga probinsiya ng Albay, Palawan, Bohol at Misamis Oriental. Sa 2012 naman nakatakdang simulan ang proseso para isa-pribado ang NAIA 3 at DMIA sa Pampanga. 

Para makaakit ng lokal at internasyunal na kapitalista na sososyo sa PPP, nagbibigay ang gobyerno ng maraming insentibo. 


Mga insentibong pang-akit sa dayuhang puhunan

1. Pampulitikang suporta ng gobyerno para ilatag ang mga kinakailangang batas para sa swabeng pagpasok ng puhunan ng pribadong sektor at paglaban sa mga tumutuligsa sa pagbabago ng batas; 

2. Pagbigay ng lohistikal na suporta ng gobyerno gaya ng Right of Way, pagluwag sa mga batas pantrapiko, prayoridad sa supply ng kuryente at iba pang hilaw na materyales; 

3. Ginagarantiyahan ng gobyerno ang tubo sa pamamagitan ng mga iskemang “take or pay guarantee” gaya na lang ng mga kontrata ng NAPOCOR sa mga Independent Power Producers (IPPs) noong termino ni Cory Aquino at FVR na gamitin man o hindi ng publiko ang ginawang kuryente ay babayaran pa rin ng gobyerno;

4. Ibinubukas din ng gobyerno ang pondo ng mga manggagawa sa GSIS at SSS para utangan ng mga pribadong korporasyon; 

5. Ang kaban ng bayan ay ipinambabayad sa mga utang ng pampublikong kumpanya sa pribadong kumpanya o bangko. Halimbawa ang utang ng Napocor na sinisingil sa atin bilang universal charge sa bill ng kuryente buwan-buwan. 

6. Kasama sa suportang iniaalok ng gobyerno ang fiscal and regulatory support para gawing kaakit-akit mag-negosyo sa Pilipinas. Ang ilan sa mga ito ay ang di pagbayad ng buwis ng tatlo hanggang sampung taon, exempted sa stamp at custom taxes. May mga kaso na pati mga dayuhang nagtatrabaho dito ay hindi pinagbabayad ng kanilang income tax; 

7. Kung nagkakaproblema sa cash flow ang kapitalista, maaring magpautang ang gobyerno;

 8. Ginagarantiyahan din ng gobyerno ang mga kapitalista laban sa inflation at pagbabago ng foreign exchange rates. Ibig sabihin, di bababa at pwedeng tumaas ang halaga ng kanilang tubo o kita kahit magbago ang palitan ng piso at dolyar. Sakali mang bumaba ang halaga ng kanilang tubo dahil sa pagbabago ng palitan, ang nawalang halaga ay aabonohan ng gubyerno.

9. Maari ring protektahan ang isang proyektong BOT sa kompetisyon, gaya ng hindi pagpapaunlad sa ibang proyekto na nagdudulot ng monopolyo sa industriya; 

10. May ilang pagkakataon na ang gobyerno pa ang nagbabayad sa mga nawasak na dokumento at kagamitan ng kumpanya dahil sa kalamidad, isang pribilehiyong di ginagawa kahit ng pinakamayayamang insurance companies; 

11. Nagbibigay din ang gobyerno ng insurance sa mga dayuhang kumpanya kung may pagbabago sa katayuan ng pulitika sa bansa gaya ng pagpapalit ng rehimen, kudeta atbp. 

12. May mga pagkakataon na ang AFP/PNP ang tinatalaga bilang security agency ng mga proyekto gaya ng Malampaya gas exploration sa Palawan; 

13. Hindi rin maaring i-expropriate o angkinin ng gobyerno ang pribadong pag-aari ng mga kumpanya kahit para ito sa kagalingan ng bayan;

14. Travel tax exemption at may multiple entry visa para sa tatlong taon para sa mga expats.

Dagdag pang insentibo ang suportang magpapagaan sa pakikipag-transakyon ng mga kapitalista at ang swabeng operasyon ng kanilang mga korporasyon dito sa Pilipinas. Ang mga insentibong ito ay ang mga probisyon na linalaman ng Omnibus Investment Law ng 1987, ang Build-Operate-Transfer (BOT) Law, ang Investments Incentive Act, Special Economic Zone Act of 1995 at ang Amended Foreign Investments Act. Higit pa riyan may mga sektoral na insentibo para sa turismo, turismong medikal, information technology (IT), pangingisda, paglilimbag ng libro at marami pang iba. Dagdag pa riyan ang mga insentibo nagmumula sa mga ordinansa ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa bansa at mga espesyal na mga mandato para akitin ang mga negosyante tungo sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Clark Development Corporation at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Sa suma-total, poprotektahan ng gobyerno ang negosyo at sisiguruhing tutubo ang mga kapitalista. Ang proteksyong ito ay tinawag na sovereign guarantee.


Mga halimbawa ng Public-Private Partnership

BOT SCAM : Sa panahon ni Ramos, ang pinakamarka ng administrasyon nito sa mga proyektong inprastruktura ay ang kasunduang Build-Operate-Transfer (BOT) habang nananatili ang kalakarang karguhin ng gubyerno ang mga utang ng pribado.

Sa BOT, inilagay sa peligro ang bulsa ng taumbayan. Sa ilalim ng ganitong kasunduan, ang mga kapitalista ay kinontratang gawin ang proyekto, ioopereyt ito sa isang takdang panahon at pagkatapos ay ibibigay sa gubyerno. Ang malaking bahagi ng pondo ay manggagaling sa kontratista, konti lang ang ilalaan ng gubyerno bilang “counterpart.” Lahat ng ito ay protektado ng “sovereign guarantee” o aakuin ng gubyerno ang pagkalugi ng mga kumpanyang nakipagnegosyo sa gubyerno. Ang MRT o metrorail transit at IPPs o independent power producers ay ilan lang sa mga proyektong sumailalim sa ganitong kasunduan. 

Para maengganyo ang mga kapitalista, binigyan sila ng gubyerno ng mga incentives na tinatawag na “performance guarantees” para matiyak ang kita ng mga ito. Ilan sa mga pabor ay ang sumusunod:

1. Fixed peso-dollar exchange rate. Tiniyak na di maaapektuhan ng pagbababa ng halaga ng piso ang perang ibabayad sa mga kontratista kaya ang bayaran ay sa dolyar hindi piso. 

2. Guaranteed cost of fuel. Bukod sa idedeliber ng gubyerno ang panggatong, anumang pagtaas ng presyo ng langis na gagamitin sa proyekto ay kakarguhin ng gubyerno, hindi ng kontratista.

3. Guarantees against market and credit risks. Tinitiyak na ang tutubuin ng mga kontratista ay hindi bababa sa kanilang inaasahang tubo. Kaya anumang oras ay pwede silang magtaas ng presyo ng kanilang produkto o serbisyo at sasagutin ng gubyerno ang anumang kulang sa inaasahang kita.

4. A pledge that government would purchase all of the output of the project, whether or not it needed all the output or could retail it to the public. Kahit hindi nagamit ay babayaran ng gubyerno ang kapasidad ng kanilang ginawang proyekto.

Sa ganitong kontrata sumailalim ang mas marami sa mga IPPs. May 46 na IPPs ang Napocor. Labintatlo ang pinirmahan noong 1990-1992 (Aquino), 31 ang pinirmahan noong 1992-1997 (Ramos), 2 noong 1998 (Estrada). Hindi pa kasama dito ang napirmahan sa panahon ni Gloria. 

Sa mga kontratang ito ng gubyerno (NPC) sa mga IPPs, lalong nagkabaon-baon sa utang ang gubyerno. P900 bilyon ang utang ng NPC sa IPPs noong 2003. Dalawampu’t dalawang porsyento ng P5.9 trilyong utang ng gubyerno (2004) o P1.3 trilyon ay utang ng Napocor labas na rito ang ang P200 bilyon outstanding debt na kinargo na ng pambansang gubyerno matapos pumasa ang EPIRA Law. Matapos ibenta ang mga ari-arian ng NPC, naiwan sa gubyerno ang dambuhalang utang nito na ngayo’y pinababayaran sa taumbayan sa buwanang singil sa kuryente. 

ANG KASO NG CASECNAN: Pinakamasahol ang kaso ng Casecnan Irrigation and Power Project (2000-2020). Ito ay proyektong nasa kategorya ng “unsolicited” o hindi ipinakiusap ng gubyerno. At batay sa patakaran ng gubyerno, anumang “unsolicited” ay di pwedeng bigyan ng garantiya. Pero sa anupamang dahilan, ang proponent o kontratistang CalEnergy— isang kumpanyang Amerikano—ay binigyan ni Ramos ng government guarantee.

Ikalawa, sobrang mahal ang presyo ng malilikhang kuryente nito na nagkakahalaga ng $0.165/Kwh o P9/Kwh kumpara sa nililikha ng Napocor na P2/Kwh (sa panahong pinirmahan ang kontrata).

Ikatlo, mahal din ang tubig na maidedeliber nito sa halagang P2 bilyon kada taon papuntang Pantabangan Dam.

Ikaapat, sa pinakamenos, kokolekta ang CalEnergy ng $72.7 milyon kada taon mula sa National Irrigation Administration at $36.4 milyon kada taon mula sa Napocor kahit di magdeliver ng tubig at kuryente ang kanilang proyekto. Ito ang garantiya na kikita at di malulugi ang dayuhang kumpanya. Marami pang kumpanya ng IPPs ang katulad din nito ang kontrata. 

Ang sumikat na NBN-ZTE telecom infrastructure project: Isa rin itong uri ng PPP sa panahon ni Gloria. Nang dahil sa napakalaking overpricing o “tongpats” ng matataas na opisyal ng dating gubyerno na ibinuking ni Jun Lozada, di natuloy ang proyekto.

Marami ang nagsasabi na sa ganitong mga kontrata na lugi ang gubyerno at taumbayan, hindi malayong may nakinabang na mataas na opisyal ng gubyerno. Laluna yaong mga utang ng pribado na kinargo ng gubyerno. 

Walang masama kung totoong iiral ang partnership. Kung magtutulungan. Kung parehas at walang lamangan. Kung walang gulangan sa sakripisyo at benepisyo. Pero hindi ganito ang karanasan ng ating bansa sa kunwari’y partnership ng gubyerno at mga kapitalista. Magpalit-palit man ang pangulo ng bansa, ang nagpapasan sa mga pagkakautang na ito at mas mataas na singil sa mga serbisyong nasa kamay na ng mga kapitalista ay tayong mga mamamayan.

Minsa’y sinabi ni Maitet Diokno-Pascual, dating Pangulo ng FDC at anak ng yumaong Senador Diokno, “Nakikita natin ngayon ang pagsibol ng isang bagong porma ng pagkakalubog sa utang na mas masahol pa sa lahat ng ating naranasan sa ating kasaysayang punung-puno ng trahedya.” 

3 komento:

  1. MABUTING BALITA !!!

    Ang pangalan ko ay Lady Mia, nais kong gamitin ang media na ito upang paalalahanan ang lahat ng mga naghahanap ng pautang na maging maingat, dahil may pandaraya kahit saan, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa kasunduan at sasabihin nila na walang pagbabayad nang maaga, ngunit sila ay mga manloloko, dahil hihilingin nila ang pagbabayad ng mga bayad sa lisensya at mga bayad sa paglipat, kaya mag-ingat sa mga mapanlinlang na Kompanya ng Pautang.

    Ang mga tunay at lehitimong kumpanya ng pautang ay hindi hihilingin ng patuloy na pagbabayad at hindi nila maaantala ang pagproseso ng mga paglilipat ng pautang, kaya't maging matalino.

    Ilang buwan na ang nakararaan ako ay pinansiyal at nababalisa sa pananalapi, ako ay nalinlang ng maraming mga online na nagpapahiram, halos nawalan ako ng pag-asa hanggang sa ginamit ng Diyos ang aking kaibigan na tinukoy ako sa isang napaka-maaasahang tagapagpahiram na nagngangalang Ms. Si Cynthia, na nagpautang sa akin ng isang hindi ligtas na pautang na Rp800,000,000 (800 milyon) nang mas mababa sa 24 na oras nang walang palaging pagbabayad o presyon at isang rate ng interes lamang ng 2%.

    Laking gulat ko nang suriin ko ang balanse ng aking account sa bangko at natagpuan na ang halaga na inilalapat ko ay ipinadala nang direkta sa aking bank account nang walang pagkaantala.

    Dahil nangako ako na ibabahagi ko ang mabuting balita kung tinulungan niya ako sa isang pautang, upang ang mga tao ay madaling makakuha ng pautang nang walang stress o pandaraya
    Kaya, kung kailangan mo ng anumang pautang, mangyaring makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng tunay na email: cynthiajohnsonloancompany@gmail.com at sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, hindi ka niya bibiguin kahit kailan kumuha ng pautang kung susundin mo ang kanyang mga order.
    Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa aking email: ladymia383@gmail.com at Sety na nagpakilala at nagsabi sa akin tungkol kay Ms. Cynthia, narito ang kanyang email: arissetymin@gmail.com

    Ang gagawin ko ay subukang matupad ang aking mga pagbabayad sa pagbabayad sa utang na ipapadala ko nang direkta sa account ng kumpanya bawat buwan.

    Ang isang salita ay sapat para sa mga marunong.

    TumugonBurahin
  2. Magandang araw

    Kailangan mo ba ng pananalapi upang mapalawak o maitaguyod ang iyong sariling negosyo?
    Nag-aalok kami Pribado, Komersyal at Personal na Pautang na may napakaliit na taunang Mga rate ng Interes na Mababa ng 3% sa loob ng 1 taon hanggang 20 taong tagal ng pagbabayad sa anumang bahagi ng mundo.
    Ang aming mga pautang ay maayos na nasiguro para sa maximum na seguridad ang aming prayoridad.
    Ang sinumang interesado ay dapat makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng E-mail: nelsonwealthfinacialloanservic@gmail.com

    TumugonBurahin
  3. The King Casino and Resort
    The king casino and goyangfc.com resort https://febcasino.com/review/merit-casino/ features a modern casino with everything you'd expect from https://deccasino.com/review/merit-casino/ a classic Vegas Strip casino. The novcasino resort features ventureberg.com/ 50000 square feet of Funding: $250 millionDesign: Inspired DesignMasters: Ivan Karaszko

    TumugonBurahin